Thursday, January 19

A Mother's Story Quotes

In ABS-CBN Global and TFC's movie, A Mother's Story, Pokwang played a heavy drama role which is completely opposite from her previous comedienne roles. She was able to portray the character of an OFW mother who struggled in America in order to provide better lives for her children. 

In the film, it was never an intention for Medy (Pokwang) to work abroad. In fact, she never wished to be separated with her son and daughter. But when she found out that Queenie needs to be operated, she took the risk of becoming an illegal alien in the US. She never wished for it to happen but she was left with no choice. Her first two years as an Overseas Filipino Worker went well. However, her good fate has changed when she decided to become a house helper in exchange of a higher salary. The next five years of her life was full of unpleasant experiences. When she finally had the chance to escape from her employers, she was given a chance to go back to the Philippines. She was expecting for a warm welcome from her family but she ended up receiving blames and problems. Her son hated her for the seven years that she have spent away from her family. At the same time, her husband also married another woman.


I have seen this film with my mom and Abdel last week. I only got the chance to post it today because of my hectic schedule. As usual, I am ready to share some of the quotes from the great movie "A Mother's Story." 

"Isa palang mahabang paglalakbay ang pagiging ina."

"Hindi ka nakakatulong. Puro ka kasi sugal ng sugal."
"Bakit? Binigyan naman kita ng dalawang anak ah."
"Oo nga. Sila lang ang magandang binigay mo sa buhay ko."

"Hindi ko po kayang iwanan ang mga anak ko, nay."
"Kakayanin mo, anak... Alang-alang sa kinabukasan ng mga anak mo."

"Alam mo, kung hindi lang talaga dahil sa dalawang anak ko..."
"So, hindi mo na siya mahal? Mahal pa rin."

"Basta masipag ka lang kumayod, lahat ng gusto mo, mabibili mo."

"Ganun pala 'pag ina ka. Kapag naninimbang ka, ang laging mananaig ay ang kapakanan ng mga anak mo."

"Napalayo lang ako sa mga anak ko pero hindi ho ako naging masamang ina."

"I'm a mother too. I know what it's like to be far from your children. I don't know how you Filipinos bear it. It must be hard."

"Illegal alien ka... In short, ni katiting, wala kang karapatan dito sa Amerika. You don't exist."

"Without your passport, you cannot go home. We can report you but that's not gonna happen."

"Ikaw ba ang nanay ko?"

"Nay, bakit po parang mas excited pa sila na makita ang laman ng balikbayan box?"
"Pitong taon kang wala anak, nasanay lang sila na wala ka."

"Ang dami ngang nasira nung lumayo kayo."

"Isa pa ha, my mother is beautiful. Isn't she?"
"Ang dali-dali naman niyan nay. Maganda ang nanay ko. Hindi naman, diba?"

"King, kinakausap pa kita. Ako pa rin ang nanay mo."
"Talaga? Parang hindi ko naman naramdaman na nanay kita ng pitong taon."

"Diba sabi ko na darating rin ang araw na ma-kokompleto kayo? Ito na 'yung araw na yun, anak. Kaya masaya na tayong lahat."

"The last time I know, asawa ko pa rin siya."

"Nak, sa'n ka pupunta"
"Sa Amerika. *sarcastic*"

"Nakakahiya? Sige na. Ako na yung nakakahiya. Ako na yung may kasalanan ng lahat."
"Alam mo ba ang pakiramdam kapag nasasabihan ka na wala kang kwentang awasa? Na wala kang kwentang ama? Masakit. Ang sabi mo, pitong araw ka lang mawawala."
"Hindi niyo alam kung ano ang pinag-daanan ko."

"Ang sarap ng buhay mo. Wala kang batang inaalagaan araw-araw. Hindi mo naransan ang mapuyat sa pag-painom ng gatas, sa pagpapalit ng lampin. Walang nag-tatanong sa'yo kung nasa'n ang nanay nila, kung kelan sila babalikan ng nanay nila. Gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung paano nagawa ng nanay nila na iwanan ang kanyang anak ng pitong taon. Pitong taon."

"Sana hindi ka nalang umalis."
"Nay, ikaw yung unang tao na nagtulak sa akin para mangibang bansa. Nay, ang sabi mo para sa kinabukasan ng mga anak ko. Nanay kita kaya nakinig ako, kaya sinunod kita."
"Tama naman ako, diba? Paano mo mapagtatapos ang panganay mo kung hindi ka nag-abroad? Sino ang aasahan mo? Lumaki ang mga anak mo na nakilala ka lang sa boses at sulat. Nitong mga nakaraang taon, bigla ka nalang nawala. Hindi ka na nagparamdam."

"Alam mo kung ano ang chismis dito? Ang sabi nila may asawa ka nang kano at mero ka nang ibang pamilya. Ni hindi ka man lang nakapag-Skype tulad ng ibang OFW."
"Nay, ano pong hype?"
"Anak, Skype. Hindi mo ba alam yun? Eh yung IM? Ang magic jack? Saan ka ba nasuot at nakulong at hindi mo alam ang mga yun?"

"Pareho silang abogado kaya madalas silang nagtatalo. Wala kasi gustong magpatalo."

"What she doesn't know won't hurt her."

"Tsaka ko nalang haharapin ang problema kapag anjan na."

"Ano ang pipiliin mo? A. Isusumbong ka nila at ma-dedeport ka. B. Magtratrabaho ka at makakapagpadala ka sa mga anak mo?"
"Wala bang C? Can I buy a vowel?"

"Kung umuwi nalang kaya ako ng Pilipinas?"
"So ano nga? Sabay-sabay kayong mamatay ng mga anak mo na dilat ang mga mata?"

"Why do you keep up with them? If I were you, just leave."
"Don't worry. Keri ko 'to."

"Hindi ko na alam kung sa'n napunta ang tapang at lakas ko. Habang lumilipas ang panahon, para bang tiniis ko nalang lahat ng pagod ko sa garantiyang buwan-buwan akong makakapagpadala sa inyo."

"Para bang sumuko nalang ako para mabuhay ka'yo. Di bale ng mamatay ako."

"Kumusta naman ang nurse na nag-nakaw ng papel ko bilang isang asawa at ina sa mga anak ko?"
"Mare?"
"Huwag mo akong ma-mare mare dahil hindi kita kaibigan."

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nag-sakripisyo sa Amerika, diba?"

"Eh yung obligasyon ng ama mo sa atin? Sino ang sumalo? Ako. Ako ang tumayong ama ng pamilyang ito. Ako rin ang napilitang lumayo para manatiling buo ang pamilya na'to."
"Medy, hinintay ka namin. Hinintay ka namin ng mga anak mo."
"Oo, nagkamali ako ng desisyon na manatili sa Amerika. Oo, pinabayaan ko kayo gaya ng pa-ulit ulit na pinamumukha mo sa akin. Oo, illegal ako sa Amerika pero kahit kailan, hindi ko kayo inabandona. Hindi ako naging masamang ina."

"Illegal detention. Physical injuries. Hiring undocumented workers among others. Medy, you have a strong case against this couple."
"Sir, I don't have the right here."
"But Medy, you have the right to be treated like a decent human being."

"Mamili ka. A. Kakaladkarin kita palabas dito o B. Sasaksakin kita ng harapan. Hindi ako katulag mo Helen na talikuran kung manaksak. Buti nalang hindi lahat ng Filipino kagaya mo."
"Ina ka rin. Lahat lahat gagawin mo para sa kinabukasan ng anak mo, diba?"
"Wag na wag mo akong ikukumpara sa'yo Helen dahil magkaiba tayo."

"Hindi ko naman sinadyang saktan kayo eh. Mas lalong hindi ko ginustong iwanan kayo. Kahit kailan, hindi kayo nawala sa isipan ko. Kahit kailan, hindi kayo nawala sa puso ko."

"Ano to?"
"Annulment papers. Ipapa-walang bisa ko na ang kasal natin. Kaso. Bigamy. Pinakasalan mo si Celia. Saksi ang mga anak mo. Hanggang sa huli, inutil ka pa rin."

"Kahit wala si Gerry, kumpleto pa rin kaming matatawag dahil sa bandang huli, magkasama pa rin kami ng anak ko."

"Nay, ako naman."
"Ikaw naman ang ano, nak?"
"Ano naman ang aalis para buhayin ang mag-ina ko... Nay, patawad ha?"
"Anak, bingo ko kayo. Mali yung ginawa ko na iniwan ko kayo kasi ang babata pa ninyo."
"Hindi 'nay. Hindi. Kami ang nagkamali. Kami yung bumigo sa inyo. Hindi namin inisip na kayo yung nahihirapan. Kayo yung nakipagsapalaran. Kayo yung nagsakripisyo. Nay, binigay niyo yung buhay niyo para sa am
in. Nay, salamat ha?"

"Ang pagiging isang ina ay hindi lang pala nagsisimula sa pag-silang ng iyong anak. Kung hindi habang nasa sinapupunan mo palang, sa unang tibok ng kanyang puso. At hindi nagtatapos sa pagiging ina hanggab't nabubuhay ka at ang iyong mga anak. Ikaw pa rin ang nag-iisang ina nila saan ka man mapadpad. Kasi ang anak, pwede maging marami. Pero ang iyong ina, nag-iisa lang sa buhay mo."

9 comments:

  1. hay, nagbabasa pa lang ako naluluha na 'ko. i also want to bring nanay to the theaters para manood nito pero ayaw nyang pumasok ng sinehan and isa pa, wala akong pera. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, sulit naman ang perang pambayad for this movie. Lalo na pag-kasama si mommy :)

      Delete
  2. This must be a very good movie, Gene! I am almost teary eyed when I am reading the quotes from the movie. Somehow, I can relate to the feeling coz I am also an OFW. This movie teaches us the lesson na bilang tao pwede mong talikuran ang lahat pero hindi ang pagiging ina.

    That's one thing that some families left in the Philippines never realized. Not everything abroad is a bed of roses, there were also times na need mo kayanin ang lahat para magpatuloy yung buhay. This is a good eye opener.

    Thanks for sharing this. Wait ko na lang tong ma upload online. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. As in ate Krizza. Hindi talaga bed of roses. Akala kasi ng iba, kapag OFW, masagana at maganda na ang buhay. Hindi nila alam na OFWs are struggling for their families who are left in the Philippines..

      Kaya nga saludo ako sa iyo, ate Kriz. Pati sa Papa ko at sa ibang mga OFW :)

      Delete
  3. Wow sounds like this movie is really good makawatch nga nito...Visiting from RW!

    ReplyDelete
  4. I'm sure this is one heart-breaking story but would have been better executed if set in another country other than the US, where such things really happen. :)

    I agree with how the movie points what being a mother means...hehe binasa ko din ung mga quotes... :) nakakatawa na malungkot.

    ReplyDelete
  5. wow! what a heart-warming movie is this Sis. I am sure all of us can relate. I am sure if I watch this, make sure I have a tissue beside me. Pokwang is funny to watch. Visiting late for Reel Weekend, hope that you can return the visit too.

    http://www.jessysadventure.com/2012/01/reel-weekend-8-dear-john.html

    ReplyDelete
  6. aww... so touching isn't it? but we can hear of stories which are so similar to what happened in the film. thanks for sharing.. and hope you'd join again this week!

    ReplyDelete

Let's talk over a cup of coffee.