Wednesday, July 23

loaded with things.

yes, i'm finally back to the place where i belong. i will be spending four days here.. but, i will not just sleep, eat and play during those days. i have to make the requirements asked by my teachers to be submitted next week. here are some:

- management (case study)
- economics (1st quiz - midterm)
- partnership (entries and solutions for admission)
- filipino (memorize talumpati)
- history (autobiography)

they may look easy at first glance but i'm sure it would consume all the time i have here in our place. i have to do those before sunday. or else, i should prepare myself for a small grade.

anyway, here's my talumpati for my filipino class. i still have to memorize this.
from: PINOY BLOGERO

Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan

- I -

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot.” Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.

Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang “Tarzan” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

- II -

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

but if you have a better piece,

PLEASE SEND ME SOME. :)

No comments:

Post a Comment

Let's talk over a cup of coffee.